Tolentino: Kaibigan ko pa rin si P-Noy

“President Aquino is a good friend and I continue to value his friendship and will always be supportive of him even outside the fringes of politics,” pahayag ni Senatorial candidate Francis Tolentino nang tanungin kaugnay sa relasyon sa Pangulo. Philstar.com/AJ Bolando

MANILA, Philippines – Sa kabila ng pag-alis ni Senatorial candidate Francis Tolentino sa Li­beral Party ay sinabi nito na kaibigan pa rin niya si Pangulong Noynoy Aquino.

“President Aquino is a good friend and I continue to value his friendship and will always be supportive of him even outside the fringes of politics,” pahayag ni Tolentino nang tanungin kaugnay sa relasyon sa Pangulo.

Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Tolentino kaugnay sa pakikipagkaibigan kay P-Noy matapos iwanan ang administration party.

Sa pinakahuling Pulse Asia survey pumasok si Tolentino sa ika-14 na pwesto.

“It’s all about hardwork. At the end of the day, we will all be measured by our deeds. Good deeds, of course,” saad ni Tolentino.

Kung mahalal, nangako si Tolentino na gagawa ng mga batas kaugnay sa pangangalaga sa kalikasan, public safety at palakasin ang mga batas sa disaster preparedness.

Show comments