Ex-convict utas sa kakosa

MANILA, Philippines – Dead on the spot ang isang dating bilanggo nang siya ay pagbabarilin ng dating kakosa matapos na sampalin ng una ang ka-live in ng huli kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Michael Paul Serrano, 29, ng  Block 19, Lot 6, Twin Pioneer St., Barangay 187 ng lungsod.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Mark Anthony Autida, 22, residente  ng naturang lugar.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-5:00 ng hapon sa nasabing lugar ay nakita ng biktima ang live in partner ng suspek na si Leslie Olchondra na tinanong kung bakit ito nanghihingi ng pera sa kanyang nakakulong na ka-live in na si Luzviminda na dinalaw nito sa Pasay City Jail.

Pinabulaanan ito ni Leslie hanggang sa nairita ang biktima at sinampal ang una na nakita naman ng suspek.

Kaya nag-away ang biktima at suspek hanggang sa kumuha ito ng baril at pinagbabaril ang una na agad nitong ikinasawi.

Nabatid na ang biktima at suspek ay magkakosa sa Pasay City Jail.

Show comments