^

Police Metro

Bongbong binira ni P-Noy

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa maling paniniwala na maaaring baluktutin ang kasaysayan sa pamamagitan ng mga “manufactured nostalgia” o pekeng alaala tungkol sa Martial Law ay mistulang pinasaringan ni Pangulong Aquino si Senador at Vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para sa “brashness” nito o ang walang habas na pagbalewala sa mga krimeng ginawa ng rehimeng Marcos.

Sa kanyang talumpati sa ika-30 anibersaryo ng isang malaking pahayagan noong isang gabi sa Marriott Hotel sa Pasay City ay sinabi ni Aquino na may bagong henerasyon ngayon ang mga mambabasa na mas­yado pang bata para maalala kung papaano mamuhay sa ilalim ng isang gobyernong minamanmanan ang bawat galaw ng mga tao  noong Martial Law.

Idinagdag pa rin nito na nandoon pa rin ang mga taong walang habas na bumabalewala at di man lang pinagsisisihan ang mga krimeng kanilang nagawa at naniniwalang makakasabay sa agos ng mga gawagawang alaala upang baguhin ang nakaraan.

Kahit di binanggit, malinaw na si Senador Marcos, na running-mate ni Senador Miriam Santiago sa 2016 elections, ang tinutukoy ni Aquino nang ihalimbawa nito ang isang kandidato na konektado sa Martial Law na  nagsabing wala naman dapat ihingi ng sorry sa nakaraang rehimen.

“Alam nating lahat na noong panahon ng Martial Law, pwede kang maaresto at ikulong ng walang katiyakang makalaya, at kung makakasuhan ka, ika’y haharap sa military tribunal para lilitisin, na siyang kontrolado rin ng diktador,” wika ni Aquino.

“Matapos magdeklara ng Martial Law, ipinasara ng diktador ang mga independent media, na siyang nagbigay daan upang kontrolin niya ang anumang ilalabas sa mga pahayagan o sa brodkas mula noong ideklara ang Martial Law hanggang noong 1978 interim Batasan elections at hanggang sa asasinasyon ng aking ama,” ani PNoy.

Sinabi pa niya na sa pamamagitan ng mga nila­laman at lalim ng inyong pamamahayag ay maaaring makapagbigay liwanag sa mga bagong henerasyon na mas lalo nilang maintindihan sa tunay na kahulugan ng ating isinisigaw noong 1986 na “Never again.”

 “Inyo nang napatuna­yan ang lumang kasabihang ‘the pen is mightier than the sword,’ at ako ay umaasa na patuloy ninyong gagawin at mapalalawig pa sa hinaharap,” sabi ni PNoy.

Sambit pa ni PNoy, “Kaalinsabay sa pagbulaga sa diktador ang pagsasagawa ng mga noise barrage noong ‘78 upang suporta­han ang kampanya ng aking ama mula sa kulungan at ang paglaban ng media upang makamtan muli ang malayang pamamahayag.”

 

ACIRC

ANG

AQUINO

MARCOS JR.

MARRIOTT HOTEL

MARTIAL LAW

MGA

NOONG

PANGULONG AQUINO

PASAY CITY

SENADOR MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with