Ginang nasawi sa sunog

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang Maribel Zamora, 41-anyos sa naganap na sunog kamakalawa ng gabi sa Sta. Ana, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-7:40 ng gabi na nagsimula ang sunog sa kisame residential/commercial building na pag-aari ng kapatid ng nasawi na si Julie Ann Zamora, 48, dalaga sa no. 2458 Tejeron St., at dakong alas-8:16 ng gabi nang ideklarang fire under control.

Nang magsagawa nang mopping operation ay dito nakita ang bangkay ng biktima.

Samantala, dakong-1:47 ng mada­ling araw nang sumiklab naman ang sunog sa Gonzales St., Ermita, sa unit  ng isang Atty. Cipriano Farrales, 81-anyos na kung saan ay nagtamo ng minor burns sina Froilan delos Reyes, 17 at Kenny Rose delos Reyes,19.

Iniakyat sa ikalawang alarma ang sunog at naideklara namang fireout pagsapit ng alas-2:00 ng madaling araw.

 

Show comments