MANILA, Philippines – Dapat anyang imbestigahan ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kumakandidatong presidente ng bansa.
Ito ang sinabi ni Senator Francis “Chiz” Escudero matapos na aminin ng mayor ang nasabing pagpatay, subalit mas makakabuti aniyang gawin ito pagkatapos na ng eleksiyon upang hindi sabihing ginigipit o pini-pressure si Duterte.
Inihalimbawa pa ni Escudero ang nangyayari sa kanila ng kanyang running mate na si Senator Grace Poe na kumakandidatong presidente na may kinakaharap na mga disqualification cases.
Kung may pananagutan umano sa batas si Duterte, dapat itong harapin pagkatapos ng eleksiyon.
Matatandaan na inamin ni Duterte sa isang panayam sa radyo na may pinatay siyang tatlong kidnappers sa Davao City.