Imbestigasyon sa ‘Montero’ isulong

MANILA, Philippines – Kung si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang tatanungin ay hihingin nito sa pamahalaan na isulong ang malawakang imbestigasyon sa sinasabing “sudden unintended acceleration” ng Montero SUVs para sa kaligtasan ng nakararaming publiko.

“Ang isyu sa sudden unintended acceleration ng Montero brand ng Mitsubishi ay dapat bigyan ng kaukulang pansin ng pamahalaan hindi lang isang beses ngunit dalawa o tatlong beses,” wika ni Tolentino.

Iginiit din ng senatorial candidate na nararapat magbigay ng libreng check-up ang Mitsubishi firm sa mga may-ari ng Montero  para mapanatag ang mga ito sa kanilang kaligtasan at upang ipakita rin ng  Mitsubishi na responsable sila sa kanilang mga kliyente.

Kasalukuyang nasa higit 100 may-ari ng Montero ang nagsampa na ng kanilang reklamo na siyang basehan para sa pagpapalabas ng “recall of order” ng Department of Trade and Industry (DTI).

Dapat umanong maging buo ang kooperasyon ng Mitsubishi sa mga imbestigasyon ng pamahalaan at maging tapat sa publiko dahil ang pangalan ng kanilang kumpanya at brand ang nakataya.

Show comments