Biyanan napatay ng manugang
MANILA, Philippines – Napaslang ang 66-anyos na biyenan matapos itong aksidente mapatay ng sariling manugang habang nag-iinuman sa kanilang bahay sa Barangay Catmon, bayan ng Santa Maria, Bulacan kahapon ng madaling araw.
Hindi na umabot ng buhay sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital ang biktimang si Rogelio Gatchalian dahil sa tinamo nitong malaking sugat sa likuran ng kanyang ulo.
Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang pangunahing suspek na si Michael Canlas, 37, ng nasabing barangay.
Sa imbestigasyon ni PO3 Joey Cabarles, dakong alas-10;45 ng gabi, magkasamang nag-inuman ng alak ang biktima at suspek kung saan nauwi sa mainitang pagtatalo ang pag-uusap.
Gayon pa man, naitulak ng suspek ang biktima kaya bumagsak ito sa sementadong sahig kung saan nagkikisay.
Nagkataon namang dumaraan ang testigong si Reggie Quinso at dalawang menor-de-edad na lalaki kaya naisakay sa traysikel ang biktima saka dinala sa nasabing ospital.
Nang malaman ng suspek na patay na ang biyenan habang isinusugod sa ospital ay nagrekomenda na tatawag na lang ng serbisyo ng punenarya subalit makalipas ang ilang oras ay hindi na ito nagpakita.
- Latest