3 welcome arc sa APEC delegates bumagsak

MANILA, Philippines – Bumagsak ang isang arko na pang-welcome sana sa mga delegadong dadalo sa pagpupulong ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa  Philippine Internatio­nal Convention Center (PICC) sa Pasay City kahapon na kung saan ay nabagsakan nito ang isang sasakyan ng  Highway Patrol Group (HPG).

Batay sa ulat, dakong alas-11:12 ng umaga nang unang gumuho ang APEC ark na matatagpuan sa panulukan ng P. Bucaneg at Roxas Boulevard at napinsala ang nakaparadang sasakyan ng HPG (SGB-323),  na minamaneho ni PO3 Noel Pastrillas.

Sumunod na bumagsak dakong alas-12:34 ng tanghali ang isa pang arko ng APEC sa panulukan ng Vicente Sotto St., at Roxas Boulevard, gayundin sa may panulukan ng Gil Puyat Avenue at  Roxas Boulevard na umano ay dahil sa ma­lakas na hangin.

Show comments