^

Police Metro

Matinding trapik sa Metro Manila asahan sa APEC Summit

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Habang palapit nang palapit ang pagpupulong ng Asia Pacific Economic Cooperate (APEC), ma­tinding trapik ang naranasan kahapon ng mga motorista dahil sarado ang ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metro Base, mula South Luzon Expressway (SLEx) tollgate patungong Magallanes sa Makati City hanggang Pasay City South at North bound lanes ay bumper-to-bumper ang trapik.

Gayundin mula Ayala-EDSA hanggang Mall Of Asia (MOA) at Roxas Boulevard (Southbound lanes) at ang ilang bahagi ng South Super Highway at sa Gil. Puyat Avenue.

Nabatid na nilagyan ng mga plastic barriers ang kalahating lanes ng South at Northbound lanes ang kahabaan ng EDSA mula Makati City hanggang Pasay City.

Kaya isang lane lamang ang nagagamit ng mga motorist kung saan sumikip ang daloy ng trapiko.

Lalung sumikip din ang daloy ng trapiko sa Kahabaan ng South Super Highway, Northbound lane patungong Pasay City at Maynila dahil dumagsa rin ang mga cargo truck.

Ayon sa ilang motorist, habang palapit nang palapit ang APEC Summit ay patuloy na lumala ang masikip na daloy ng trapiko sa ilang pa­ngunahing lansangan ng Metro Manila.

ACIRC

ANG

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATE

MAKATI CITY

MALL OF ASIA

METRO BASE

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PASAY CITY

PASAY CITY SOUTH

SOUTH SUPER HIGHWAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with