^

Police Metro

AFP sasabit sa P68-M POL products sa Yolanda - COA

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inihayag kahapon ng Commission on Audit (COA) na mayroon umanong anomalya sa ginawang pagbili ng petroleum, oil at lubricants (POL)  ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ginamit sa relief at rescue operations para  sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda noong November 2013 na may kabuuang halagang P68.65 milyon.

Batay sa record ng COA ang naturang halaga ay bahagi ng P118.65 milyong ng Quick Response Fund (QRF) na naibigay ng Office of the Civil Defense (OCD) sa  AFP sa pamamagitan ng isang kasunduan sa pagitan ng dalawang ahensiya noong November 2013.

Sinasabi sa records  na sa P68.645 milyon  ang P58,162,738.18 dito ay naideposito sa Petron Corporation  bilang bayad sa  products habang ang natitirang balanse ay bayad sa withholding tax pabor sa  Petron Corp.

Ayon sa  COA na bagamat ang transaksiyon ay otorisado sa ilalim ng  Resolution No. 34-2013  ng Government Procurement Policy Board, mayroon pa ring iregularidad sa pagbili ng POL products dahil ang procurement ay naisagawa sa  pamamagitan ng “repeat order” na dapat ipaliwanag ng AFP.

Sinasabi pa ng COA na ang tatlong supplemental contract agreements ay walang undated kayat hindi malaman ng mga state auditors  ang  actual dates of approval ng procurement.

Bigo rin umano ang AFP na mai-submit ang supporting documents ng original contract para sa POL purchase tulad ng general conditions, special conditions, schedule of requirements, technical specifications, notice of award, at  notice to proceed.

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

GOVERNMENT PROCUREMENT POLICY BOARD

NBSP

OFFICE OF THE CIVIL DEFENSE

PETRON CORP

PETRON CORPORATION

QUICK RESPONSE FUND

RESOLUTION NO

SINASABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with