FB user nag-post na sangkot sa tanim-bala ang isang taxi driver ipinapaaresto
MANILA, Philippines – Ipinaaaresto ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Facebook user na si Juluis Niel Habana matapos akusahan ang isang taxi driver na sangkot sa tanim-bala incident sa NAIA.
Sinabi ni Atty. Ariel Inton, LTFRB board member na ilang beses na nilang sinubpoena si Habana para sagutin ang ilang mga katanungan kaugnay ng kanyang FB post na isang taxi driver ay sangkot sa tanim-bala.
Tinungo na ng mga tauhan ng ahensiya ang Barangay 703, Zone 77, District V, Malate, Manila na sakop ng tirahan ni Habana, subalit walang nakitang blotter records dito kaugnay ng insidente.
Pinawalang sala naman ng LTFRB ang taxi driver na si Ricky Milagrosa sa bintang ni Habana dahil sa kawalan ng ebidensiya na nagpapatotoo sa FB post ng huli.
Magugunita sa FB post ni Havana ay sinabi nitong si Milagrosa ay sangkot sa tanim-bala dahil nilagyan umano nito ng bala ang maleta ng pinsan nitong OFW na maga-abroad.
- Latest