Leni naghain ng bill vs tanim-bala
MANILA, Philippines – Naghain ng isang panukalang batas si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na nag-aalis ng pananagutang kriminal sa pagdadala ng hindi hihigit sa tatlong bala.
Inihain ni LP vice presidential bet Robredo, ang House Bill 6245 o Iwas Tanim Bala Bill na layong tapusin ang Tanim-Bala modus operandi para maisalba ang mga pasahero sa NAIA sa panggigipit at pangingikil.
Ang hakbang ay ginawa ni Robredo matapos arestuhin ang ilang pasahero sa NAIA dahil sa pagkakaroon ng bala sa kanilang bagahe.
Ang mga naaresto ay hindi pinayagang makasakay sa kanilang flight, dahilan upang hindi sila makarating sa kanilang destinasyon.
Anya, maliban sa pangingikil, ang scam ay paglabag sa karapatan na malayang makapagbiyahe at malaking kasiraan para sa bansa dahil ilan sa mga biktima ay mga turista na nagbakasyon lang sa bansa.
- Latest