Nasapol ng CCTV... Pulis tinaniman ng bala sa ulo

Base sa kuha ng  CCTV ay nakaupo ang biktima sa gilid ng nasabing  gusali at tila may hinihintay nang sumulpot ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek at walang kaabog-abog na binaril ang biktima sa ulo. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Dalawang bala ang itinanim ng hindi pa kilalang dalawang suspek sa ulo at isang bala sa pisngi ng isang pulis kahapon ng madaling araw sa  Quiapo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si PO3 Saripoden Malawi Pangcoga, 36.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago nangyari ang pamamaril sa biktima dakong alas 12:40 ng mada­ling araw sa  may Bakerite Building na matatagpuan sa kanto Hidalgo at CP De Guzman Streets, Quiapo, Maynila ay nakaupo ang biktima.

Base sa kuha ng  CCTV ay nakaupo ang biktima sa gilid ng nasabing  gusali at tila may hinihintay nang sumulpot ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek at walang kaabog-abog na binaril ang biktima sa ulo.

Nawawala ang cellphone at baril ng biktima habang ang  pitaka at ID nito ay nasa kamay ng  MPD.

Maliban sa kuha ng CCTV ay patuloy na nanga­ngalap ng testigo ang pulisya upang malaman ang motibo nang pagpaslang sa biktima.

Show comments