Duterte ipahahalili sa pag-atras ni Dino sa pagka-pangulo
MANILA, Philippines – Pinangalanan ng pambato ng PDP-Laban na si Martin Diño, chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang kanyang substitute para sa 2016 presidential election matapos na ito ay kusang umatras.
Inihayag ito ni Diño sa pagsusumite niya kahapon ng umaga ng kanyang statement of cancellation/withdrawal sa tanggapan ng Law Department ng Commission on Elections (Comelec) na makikita sa 4th paragraph ng withdrawal letter na magiging substitute niya si Duterte.
Paliwanag niya nainsulto siya nang makatanggap ng liham mula sa Comelec Law Dept na inirereklamo siya bilang nuisance na ang pinagbatayan ay ang panayam sa kaniya ng media na nagsasabing hinihintay lamang niya na magdeklara ng kandidatura sa pagka-presidente si Duterte.
Bukod dito ay pinagdudahan din umano ng Law Dept ang kanyang kapasidad na maglunsad ng national campaign na ayon kay Diño ay walang batayan na ibinatay lamang sa haka-haka o espekulasyon.
Iginiit ng kampo ni Diño na hindi na dapat pang umusad ang motu propio petition ng Comelec Law Dept para ideklara ito bilang nuissance candidate sa pagka-pangulo.
- Latest