Tolentino: ‘Metropolitanization’ sa mga lalawigan, umpisahan na
MANILA, Philippines - Umpisahan na ang “metropolitanization” o pagpapahusay ng mga imprastruktura sa mga rehiyon bilang panlaban sa mga regular na kalamidad na humahampas sa bansa.
Ito ang panawagan ni dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa mga lider ng mga lokal na pamahalaan dahil ito ay agaran na pangangailangan lalo ’t buhay at bilyun-bilyong ari-arian ang taunang nasisira ng mga bagyo, lindol, tsunami, sunog at “storm surge” o daluyong.
“Nararapat lahat ng lider natin nakatuon sa hinaharap. Dapat may vision sa susunod na 10 o 20 taon para mapatibay ang mga road networks, drainage, garbage disposal, at mas matitibay na gusali,” ayon kay Tolentino sa pagsasalita nito sa isang Cebu Urban Summit.
Ngayon pa lamang ay dapat bumubuo na ng konsepto ng “modern cities” ang mga lider ng lokal na pamahalaan para sa lumalaking populasyon at pangangailangan ng mga mamamayan na dapat ay may koordinasyon ang bawat isa para sa iisang plano ng urban development.
Ayon pa kay Tolentino na tumatakbong Senador bilang independent na dapat aktuwal na maramdaman ng tao ang mga programa at proyekto at hindi puro salita lamang.
- Latest