3 Sayyaf todas sa encounter

MANILA, Philippines – Tatlong miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group ang napatay habang apat namang sundalo ang nasugatan matapos sumiklab ang sagupaan sa liblib na bahagi ng Barangay Baiwas sa bayan ng Sumisip, Basilan kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ng Naval Forces ng Western Min­danao na isinumite sa Camp Aguinaldo, nagsasagawa ng operasyon ang Joint Task Group Basilan sa nasabing kabundukan nang makasagupa ang grupo ng Abu Sayyaf bandang alas-11:50 ng umaga.

Tumagal ng 40-minuto ang bakbalan hanggang sa tuluyang umatras ang mga terorista sa ibat -ibang direksyon kung saan sinasabing may ilan pang Abu Sayyaf na tumakas ay mga sugatan.

Patuloy naman ang pagtugis ng militar sa mga tumakas na terorista.

Show comments