25 tiklo sa shabu tiangge

Sinalakay ng mga tauhan ng CIDG, Camarines Norte PNP Provincial Office, Regional Intelligence Group at ng Philippine Army ang tinaguriang shabu tiangge sa Purok 1, Brgy 4 sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. -FRANCIS ELEVADO-  

MANILA, Philippines - Umaabot sa 25-katao ang nasakote matapos sa­lakayin ng pangkat ng PNP at militar ang tinaguriang shabu tiangge sa Purok 1, Barangay 4 sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Armado ng 15-search warrants nang salakayin ng mga awtoridad ang compound na pinagpupugaran ng mga drug pusher at adik.

Kabilang sa nasakote ay sina Dennis Alem, 43, lider ng Alem Gang; at Janet Ibasco, miyembro naman ng Arana Gang.

Nasamsam naman ang 48 plastic sachets na shabu na may 26 gramo, pinatuyong dahon ng marijuana, dalawang cal. 38 revolver, mga bala ng baril at P135K cash.

Pansamantalang nakakulong ang mga suspek sa Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr. sa Barangay Dogongan sa bayan ng Daet.

Show comments