Sintunado inatado ng saksak

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalagayan ang isang obrero nang ito ay ataduhin ng saksak ng isang lasing na nairita sa sintunado nitong boses habang kumakanta sa loob ng videoke bar kamakalawa ng gabi sa Barangay Tagbacan Ilaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Emar Manosca, 27, may-asawa at residente ng Barangay Cawayanin, Ilaya.

Agad namang naaresto ang suspek na si Reynaldo Nocum, nasa hustong gulang.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-8:30 ng gabi sa loob ng Manuela Videoke bar ay bumirit ang biktima sa pagkanta ng “My Love Will See You Through” na ikinairita ng suspek dahil wala sa tono.

Sinigawan ng suspek ang biktima na huminto na, subalit ipinagpatuloy pa nito ang pagkanta, kaya’t sa inis ng una ay tumayo ito at nilapitan ang huli at inundayan nang sunod-sunod na saksak.

Show comments