MANILA, Philippines – Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang 23-anyos na ginang matapos na barilin nang pumalag ito sa holdapan sa loob ng pampasaherong air-con bus kahapon ng madaling araw sa Makati City.
Kinilala ang nasawing si Reena Franchesca Cruz, ng #1887 C. Almeda St., Tondo, Manila dahil sa tama ng bala sa tiyan.
Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong ala-12:50 ng madaling araw sa loob ng Delta Transport Inc., (UYD-134) na may biyaheng Navotas-Ayala-Baclaran na minamaneho ni Santos Jabinez, 45 ay binabagtas nito ang kahabaan ng South bound lane ng EDSA-Ayala Avenue patungong Baclaran nang magdeklara ng holdap ang dalawang lalaki.
Tinutukan ng baril ang biktima at dahil sa umano’y takot ay itinulak nito ang isa sa mga suspek dahilan upang magalit kaya’t pinutukan ng kasama ang biktima at tumakas tangay ang cellphone nito.