Joy Belmonte tatakbo uli sa pagka-Vice Mayor

Sinabi ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na nasa plano niyang higit na palakasin ang social services projects sa lungsod lalu na sa mga programang laan sa mga kabataan tulad ng edukasyon. 

MANILA, Philippines – Naghain na kahapon ng kanyang certificate of candidacy (COC) si QC Vice Mayor Joy Belmonte para sa kanyang ikatlong termino bilang pangalawang punong lunsod ng QC.

Sa Comelec District 1 sa Quezon City Hall compound si Belmonte nag-file ng COC kasama ang mga konsehal ng lungsod at libu-libong taga suporta partikular ng grupo ng mga kababaihan sa lungsod.

Sinabi ni Belmonte na nasa plano niyang higit na palakasin ang social services projects sa lungsod lalu na sa mga programang laan sa mga kabataan tulad ng edukasyon.

Pasisiglahin pa niya ang QC bilang tourism district kung saan ang mga open spaces sa lungsod ay mapakinabangan ng mamamayan at mapatatag pa ang turismo sa lungsod.

Show comments