Rider utas, angkas sugatan sa tanker

MANILA, Philippines - Idineklarang dead on arrival ang rider na si John Oscar Begino, 19, binata habang nasugatan ang angkas nitong si Rommel Abit, 27, kapwa helper at residente ng Pagkakaisa Compound,Visayas ­Avenue, Quezon City matapos na sila ay salpukin ng tanker truck kahapon ng madaling araw.

Ang driver ng tanker truck na si Victoriano Rollo Jr., 48, may-asawa, driver ay sumuko sa mga otoridad.

Sa ulat, dakong alas-12:20 ng madaling araw ay binabaybay ng motorsiklo ang kahabaan ng  Visayas Avenue, Brgy, Pasong Tamo nang  mahagip ng truck ng suspek.

Sa lakas ng impact ay tumilapon ang mga biktima at dinala sa ospital, subalit namatay si Begino.

Show comments