MANILA, Philippines – Bababa ng 13 sentimo kada kilowatt hour (kwh) ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Oktubre.
Ito ang iniulat kahapon ng pamunuan ng Manila Electrict Company (MERALCO) na ang pagbaba ng singil ay bunsod nang pagbaba ng generation charge, transmission charge at tax charge sa kanila.
Ayon kay MERALCO spokesman Joe Zaldarriaga, para sa mga bahay na kumukonsumo ng 200-kwh ay bababa ng P26.36; sa mga nakakagamit ng 300-kwh ay P39.55 ang pagbaba, ang mga nakakagamit ng 400kwh ay matatapyas ng P52.73. ang kanilang babayaran.