MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng hindi pa kilalang mga salarin ang isang 18-anyos na lalaki na sangkot sa insidente ng panghoholdap kahapon ng madaling araw sa Malabon City.
Namatay noon din dahil sa dami ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Robert Cruz, 18, residente ng No. 121 Judge Jose Oreta Street, Brgy. Tonsuya, ng naturang lungsod.
Batay sa ulat, dakong ala-1:20 ng madaling araw sa C. Perez Street, ay nagbibisekleta ang biktima nang harangin ng mga salarin at pagbabarilin hanggang sa tuluyang masawi.
Rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 8 ngunit bigo na maabutan ang mga salarin.
Ayon sa kaanak na sangkot sa insidente ng panghoholdap ang biktima at may dinadaluhan pang pagdinig ng kaso sa piskalya.