Sa naganap na malaswang pagtitipon ng LP... P-Noy ‘di magso-sorry
MANILA, Philippines – Wala anyang dahilan para humingi ng public apology si Pangulong Noynoy Aquino sa umano’y nangyaring kalaswaan ng pagtitipon ng Liberal Party sa Laguna kung saan nagdiwang ng kanyang kaarawan si Laguna Rep. Benjie Agarao.
Sinabi ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, walang kinalaman sa nasabing partikular na ‘performance’ ang Pangulo at hindi rin niya alam na nangyayari ito.
“Oo. Nakita ko ‘yang online petition (ng public apology) na ‘yan at si P-Noy mismo ang pinag-a-apologize. You know, at least… Again, can I be allowed to emphasize that that particular event—hindi ‘yung event, ‘yung performance—the President had nothing to do with it. The President had no idea that it was happening.” wika ni Valte
Nilinaw din ni Valte na hindi papayagan ng Pangulo na ang kahalintulad na pangyayari na magbaba sa dignidad ng mga kababaihan.
Naglabas na naman anya ng kanya-kanyang pahayag ang mga lider ng Liberal Party katulad ni Senate President Franklin Drilon na hindi umano palalampasin ang nasabing pangyayari.
Naniniwala si Valte na dapat ipaubaya na lamang sa partido ang pagresolba sa nasabing isyu kung saan matinding nabatikos ang LP at nadamay rin ang Pangulo.
- Latest