^

Police Metro

Kampanya vs krimen sa Caloocan, hiniling paigtingin

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Senen Sarmiento na paigtingin ang kampanya laban sa iba’t ibang uri ng krimen sa Camanava area partikular sa Caloocan City.

Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, lantaran ang mga  ilegal na sugal tulad ng jueteng at sakla, prostitusyon, drug trafficking at patayan, pero tila nagbubulag-bulagan ang pulisya at  pamahalaang lokal sa mga pangyayari.

“Kamakalawa lang, may pugot na bangkay sa Brgy. 188 kasunod ng pagpatay sa isang pulis sa Bagong Barrio at isang babae sa 3rd Avenue, ito ba ang lungsod na binigyan ng DILG ng Seal of Good Local Governance?” tanong ni Pineda na taga-Sangandaan.

Nilinaw ni Pineda na dalawang pulis na ang napatay sa Bagong Barrio, may natuklasang shabu tiangge sa Brgy. Camarin at lantarang ang prostitusyon mula Grace Park hanggang Monumento.

“May balita pang kamag-anak ni Mayor Oscar Malapitan ang jueteng ope­rator sa buong lungsod,” diin ni Pineda.

ANG

BAGONG BARRIO

BRGY

CALOOCAN CITY

GRACE PARK

KILUSAN KONTRA KABULUKAN

MAYOR OSCAR MALAPITAN

PINEDA

RODEL PINEDA

SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with