^

Police Metro

Nagnakaw sa P9.4 -M pondo para sa 4Ps, tiklo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga ope­ratiba ng pulisya pagkatapos ng halos dalawang taong pagtatago ang isa sa mga pangunahing suspek sa pagnanakaw ng  P 9.4 M  Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)  sa isinagawang operasyon sa Lucena City, Quezon kamakalawa.

Ang suspek ay kinila­lang si  Emilron dela Torre na nasakote ng PNP-CIDG operatives at Lucena City Police sa raid sa hideout nito sa Lakandula St., Brgy. 7 sa Lucena City.

Ayon kay  PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG)  Chief P/Director Victor Deona na ang suspek kasama ang dalawang iba pa ang responsable sa panghoholdap sa limang empleyado ng Philippine Postal Corporation Regional Office na naatasang maghatid ng P9.4 M pondo para sa 4P’s mahigit 2 taon ang nakalilipas.

Ang 4Ps ay isa sa mga pangunahing proyekto ng administrasyon ni Pa­ngulong Benigno Aquino bilang tulong sa mga mahihirap na pamilya sa bansa.

Magugunita na biniktima ng mga suspek ang mga empleyado ng Philippine Postal Corporation na sina Brian Dizon, Odith Cadano, Geraldine Badong, Niño Calabia at Patrick James Patungan habang kumakain sa isang restaurant.

 

 

 

 

 

 

ACIRC

ANG

BENIGNO AQUINO

BRIAN DIZON

CHIEF P

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR VICTOR DEONA

GERALDINE BADONG

LAKANDULA ST.

LUCENA CITY

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with