Nilayasan ng ka-live-in, nag-suicide

MANILA, Philippines – Nagpasalubong na lamang kay kamatayan ang 25-anyos na mister na nagbigti matapos itong layasan ng kanyang ka-live-in sa Barangay San Jose, bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Natagpuang nakabitin sa kisame ng kanyang bahay ang biktimang si Patrick Joseph Gonzales ng Rizal Street sa nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Ariel Modelo, tumawag sa himpilan ng pulisya ang mga kaanak ng biktima upang ipabatid ang nadiskubreng insidente.

Nabatid na bago maganap ang insidente  ay namataang nakiki­pagtalo ang biktima sa ka-live-in na si Ann Margaret sa loob ng kanilang bahay.

Matapos ang mainitang pagtatalo ay tulu­yang umalis ang babae bitbit ang mga personal na kagamitan.

Dito na dinamdam ng biktima ang ginawa ng kanyang ka-live-in kaya tuluyang nag-suicide.

 

Show comments