MANILA, Philippines – Habambuhay na pagkabilanggo ang parusa sa sinumang opisyal ng gobyerno na mapapatunayang nagtanim ng bala para makapag-frame up.
Sinabi ni Senator Ralph Recto na sa 2013 Firearms Law, isang bala lamang ang itanim ng isang opisyal para makapangikil ay tiyak na hindi na sisikatan ng araw ang mahuhuli dahil sa tagal sa bilangguan.
“The 2013 Firearms Law says that if you are a public official and you plant a bullet in the person or property of an individual for the purpose of framing him up, you go to jail for life. Isang bala lang, hindi ka na sisikatan ng araw sa tagal mo sa bilangguan,” ani Recto.
Ginawa ni Recto ang paalala dahil sa mga insidente ng pagtatanim ng bala ng ilang tiwaling personnel ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga umaalis ng bansa.
Nakasaad din sa Section 38 ng Republic Act 10591 ang sumusunod: “The penalty of prison mayor in its maximum period shall be imposed upon any person who shall wilfully and maliciously insert, place, and/or attach, directly or indirectly, through any overt or covert act, any firearm, or ammunition, or parts thereof in the person, house, effects, or in the immediate vicinity of an innocent individual for the purpose of implicating or incriminating the person, or imputing the commission of any violation of the provisions of this Act to said individual. If the person found guilty under this paragraph is a public officer or employee, such person shall suffer the penalty of reclusion perpetua.”
Maghahain ng isang resolusyon si Recto sa Lunes upang paimbestigahan sa Senado ang isyu ng pagtatanim ng bala para makapangikil sa mga biktima.
Posibleng imbitahan ang mga opisyal ng ilang ahensiya ng gobyerno katulad ng National Bureau of Investigation upang ilagay umano sa surveillance ang mga tiwaling airport personnel at ng matigil na ang ilegal nilang ginagawa.