11 obrero dinukot ng Abu

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf Group ang 11 obrero ng isang water tank construction matapos harangin sa Brgy. Upper Benembengan, Sumisip, Basilan kahapon ng umaga.

Sa ulat na natanggap ni Captain Rowena Muyuela, Spokesperson ng AFP–Western Mindanao Command, dakong alas-8:45 ng umaga  ay lulan ng truck ang mga biktima na pawang manggagawa sa water tank ng Abubakar Construction   nang harangin ng mga armadong bandido sa ilalim ng pamumuno ni Abu Sayyaf Sub Commander  Abu Kik Alamsirul, subalit dalawa sa mga ito ay nakatakas.

Kabilang sa mga kinidnap na biktima ay sina Nasser Jallaha, Merhusin Ubbay, Mustapha Gapul, Abukaisir Nasilin,  Jaya Abdulla, Johan Sarao, Nadzhar Garbon, AlsibarJauhari, at Margani Alpha.

Inaalam naman ng opisyal ang pagkakakilanlan ng  dalawang nakatakas na kinukunan pa ng impormasyon ng JTF Basilan ng AFP.

 

Show comments