Eroplano umusok nag-emergency landing
MANILA, Philippines - Napilitang bumalik at nag-emergency landing kahapon sa paliparan ng Davao City ang isang eroplano ng Philippine Airlines matapos na umusok ang eroplano.
Sinabi ni Supt. Antonio Rivera, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 11, naganap ang insidente dakong ala-1:34 ng hapon na kalilipad lamang ng Philippine Air Lines (PAL) flight PR-1814 na kinalululanan ng 128 pasahero bukod pa sa mga crew ng eroplano nang mapansin ng mga piloto na may umuusok sa cargo compartment ng eroplano kaya napilitan itong mag-emergency landing.
Ang nasabing eroplano ay patungong Maynila ay nag-emergency landing sa lumang Davao International Airport bunga ng insidente. Patuloy ang masusing imbestigasyon sa kaso.
- Latest