Anak nasermunan ng ama, nag-suicide

MANILA, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 19-anyos na estudyante na nasermunan ng sariling ama matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Tiaong, bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Baliwag District Hospital ang biktimang si Gerome Manaco ng nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon nina PO3 Emiliano Jalova Jr. at PO3 Jesrael Yahweh,  nadiskubre ng ama na hindi pumapasok sa eskuwelahan ang biktima kaya kinompronta nito ang anak saka sinermunan.

Gayon pa man, dinamdam ng biktima ang panenermon ng kanyag ama kaya nagdesisyong magbigti sa kanilang bahay.

Show comments