MANILA, Philippines - “Bakit binibigyan ng VIP treatment ng isang opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ilang malalaking kumpanya ng bakal?”.
Ito ang tanong ng ilang broker na nakabase sa Bureau of Custom (BoC) kay DTI Undesecretary Victorio Dimagiba sa ilang malalaking kumpanya ng mga bakal.
Ayon sa ilang broker na hindi patas ang lakaran na kapag wala umanong koneksyon ay ibinibinbin ang kanilang kargamento at nagtataka sila na sa kabila na overage na ang nasabing opisyal ay humahawak pa rin ito ng mataas na position sa gobyerno.
Magugunita na kamakailan ay pinagpaliwanag ng ilang broker si Dimagiba kung paano na-release ang libu-libong container vans na naglalaman ng mga plywood gayung kuwestiyonable umano ang mga dokumento nito na hindi umano dumaan ang mga kargamento sa pagsusuri ng Bureau of the Philippine Standard (BSP) na nasa ilalim ng pamumuno ng DTI.