^

Police Metro

Pulis, sundalo nagtalo sa checkpoint: 3 todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang dalawang pulis habang namatay habang ginagamot sa ospital ang isang tauhan ng Philippine Marines nang magbarilan ang mga ito sa checkpoint kaugnay sa ipinatutupad na security operations kamakalawa sa bisinidad ng pamilihang bayan ng Labuan, Zamboanga City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina PO1 Muhsin Jainul at PO3 Alkashmir Lipae; pawang mi­yembro ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) 9 at Corporal Jason Marqueses, kasapi naman ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 9. Habang isang balut vendor ang nasugatan nang tamaan ng ligaw na bala.

Sa ulat na tinanggap ni Supt. Ariel Huesca, Chief ng RPSB ng Zamboanga City Police, bago nangyari ang barilan dakong alas-7:30 ng gabi ay nagpatupad ng security operations sa baybayin ng Brgy. Labuan ng lungsod ang mga tauhan ng MBLT 9 at ng RPSB ng Zam­boanga City Police.

Dito ay biglang duma­ting sina PO1 Jainul at PO3 Lipae na isa rito ay nakakumpletong uniporme at pawang armado ng  M16 rifles at cal. 45 pistol at cal 9 MM.

Bigla na lamang umanong nakairingan nina PO1 Jainul at PO3 Lipae ang grupo ng Phi­lippine Marines kaugnay ng isyu ng pagpapatupad ng security operations sa lugar at ilang sandali ay nagbarilan na ang mga ito.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang kasong ito at inaalam na rin  ang pinag-ugatan nang iringan at kung sino ang nag-umpisa ng barilan sa dalawang pu­wersa.

ACIRC

ALKASHMIR LIPAE

ANG

ARIEL HUESCA

CITY POLICE

CORPORAL JASON MARQUESES

JAINUL

LABUAN

MARINE BATTALION LANDING TEAM

MUHSIN JAINUL

PHILIPPINE MARINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with