Enrile at Reyes muling nagkita

MANILA, Philippines - Muling nagkita makalipas ang halos isang taon sa Sandiganbayan sina Sen. Juan Ponce-Enrile at dati nitong chief of staff na si Atty. Gigi Reyes.

Ito ay para sa sana’y pre-trial ng kanilang kasong plunder kaugnay ng multi-bilyong pork barrel scam.
Bukod sa dating magkatrabaho, naroon din sa korte si Janet Lim-Napoles na siya umanong utak ng scam.
Gayunman, hindi natuloy ang pre-trial matapos humirit ang abogado ng prosekusyon na si Anacleto Diaz na ma­bigyan pa sila ng panahon para mangalap ng orihinal na dokumento na gagamiting ebidensya.
Gusto sana ng korte na matapos sa Agosto ang pagmamarka ng mga ebidensiya.

Humirit din ng extension ang kampo ni Enrile dahil hinihintay naman nito ang desisyon ng Korte Suprema sa inihain nilang petition for certiorari at petition for bail.

Dahil dito, napilitan ang korte na i-terminate ang pre-trial kahapon.

Show comments