Sekyu tinext ang misis, bago nagbaril

MANILA, Philippines - Nagpaalam muna sa misis na magpapakamatay sa pamamagitan ng text message ang isang sekyu bago nito barilin ang sarili gamit ang shotgun dahil sa umano’y hindi maka­yanang problema naganap kamakalawa sa Brgy.San Agustin 1, Dasmariñas City, Cavite.

Ang nasawi ay kinila­lang si Jelou Catelina, 39, ng Blk 36, Lot 3, Brgy. San Isidro Labrador 1  ng lungsod.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang pagbaril ng biktima habang naka-duty dakong alas- 5:30 ng umaga sa Annies Plaza Building ay nagtext ito sa kanyang misis na si Rechil, dakong alas-4:30 ng madaling-araw at sinabi nito sa text na gusto na niya umanong magpakamatay at ayaw nitong madamay ang pamilya.

Nang matanggap ng misis nito ang text ng mister ay agad nitong pinuntahan ang mister, subalit patay na ito nang kanyang madatnan habang naka­handusay sa sahig na may tama ng shotgun sa tiyan.

Show comments