^

Police Metro

Erap sinermunan ang mga Quinta vendors

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sermon pa ang inabot ng mga vendors ng Quinta Market mula kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na nakiusap na huwag nang gibain ang Quinta Market.

Nabatid na nagawa pang magsagawa ng vigil nitong Linggo ng gabi ang mahigit kumulang sa 500 vendor para ipakita ang kanilang pagsalungat sa planong moder­nisasyon ng nasabing palengke dahil sa ayaw nilang mailipat sa mistulang ‘kulungan ng manok’ na stalls na inihanda para sa kanilang lehitimong  vendor ng Quinta Market.

Naipasa umano ang resolution sa konseho dahil sa 37 konsehal ng  Maynila, tanging sina Rod Lacsamana ng 2nd District; Ali Atienza ng 5th District at Josie Siscar ng 5th District ang komontra sa pinasok na joint venture agreement ng Manila City government sa Marketlife Management and Leasing Corp.  para mai-renovate ang palengke at  patakbuhin sa loob ng 25 taon.

Hinarang ng mga vendor ang pagdating ng demolition team dakong alas-7:00 ng umaga na nauwi sa matensiyong paghaharap hanggang sa tuluyan ding masimulan ang paggigiba ng palengke dahil sa likod at sa bubungan umano dumaan ang mga demolition team.

Nang magtungo si Estrada ay sinermunan    lamang sila nito sa pagsasabing matagal nang sira-sira ang palengke na delikado sa mga mamimili kaya dapat nang isaayos upang mapaganda ang pwesto maging ng mga vendor.

ACIRC

ALI ATIENZA

ANG

ERAP

JOSIE SISCAR

MANILA CITY

MANILA MAYOR JOSEPH

MARKETLIFE MANAGEMENT AND LEASING CORP

NBSP

QUINTA MARKET

ROD LACSAMANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with