17 Intsik inaresto sa mga pekeng gadgets

MANILA, Philippines - Labing-pitong Chinese national ang naaresto ng mga otoridad sa ginagawang pagsalakay sa magkahiwalay na bodega sa Maynila at nakumpiska ang nasa 9,700 na mga pekeng smartphones at tablets.

Ayon kay P/Chief Insp. Rizalino Ibay, hepe ng MPD-DPIOU, isinagawa ang  pagsa­lakay  dakong alas-3:00 ng hapon ng mga ope­ratiba sa isang warehouse na pagmamay-ari ng  Sky  High Marketing Corporation, San Diego Building sa may Palanca, Quiapo at Odeon Mall sa Avenida St., Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid na ang 17 Chinese national ang pinaniniwalaang  responsable sa bentahan ng mga pekeng gadgets.

Batay sa bisa ng search  warrant  pinasok ang  Sky High Marke­ting Corporation at tumambad sa kanila ang kahon-kahong units ng smartphones at tablet computer.

Paliwanag ni Ibay, modus operandi ng grupo ay tastasin ang orihinal na tatak saka pinapalitan gamit ang engraver na narekober din sa lugar.

Naibebenta ang mga pekeng gadgets mula P4,500 hanggang P7,000.

Show comments