^

Police Metro

Taxi driver na holdaper, gumagala

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagbabala ang pulisya sa publiko na sumasakay ng taxi na mag-ingat at maging mapanuri dahil sa gumagalang taxi driver na holdaper sa Metro Manila

Ito ay makaraang magreklamo ang tatlong dalaga na nabiktima sa  Pasig City na kinilalang sina Honey Gwen Son, 21; Nikki Abayan, 20, at  Maria Mich Cuyos, 22, pawang nakatira sa Pasig Blvd., Brgy. Pineda, Pasig City.

Sa ulat, bago nangyari ang panghoholdap dakong alas-4:30 ng mada­ling araw ay sumakay ang tatlo sa kahabaan ng Pasig Blvd., Brgy. Bagong Ilog at nagpapahatid sa Alabang, Muntinlupa.

Habang tumatakbo ang taxi sa kahabaan ng Pasig Blvd., ay nakiusap sa taxi driver ang isa sa mga biktima na si Honey na kung maari ay bumalik sandali ito sa kanilang pinanggalingan sa Fortune Building Brgy. Ilog, dahil mayroon itong nakalimutan.

Nag u-turn ang dri­ver at ipinarada sa madalim na lugar at dito na ito bumunot ng baril at nagdeklara ng holdap.

Kinuha ng suspek ang mga shoulder bag ng tatlo na naglalaman ng kanilang mga gamit at pera bago pinababa ng taxi at mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng C-5 Road.

Hindi nakuha ng mga biktima ang plate number ng taxi na kulay puti at hindi rin nila napansin kung may nakasabit na ID ng suspek dahil na rin sa labis na pagkabigla at takot.

vuukle comment

BAGONG ILOG

BRGY

FORTUNE BUILDING BRGY

HONEY GWEN SON

MARIA MICH CUYOS

METRO MANILA

PASIG BLVD

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with