Multicab nahulog sa bangin: 25 sugatan

MANILA, Philippines - Nasugatan ang 25 katao matapos ang sinasakyan nilang multicab ay nahulog sa bangin sa kahabaan ng national road, Brgy. Poblacion, District No.1, Mobo, Masbate.

Kinilala ang ilan sa mga nasugatan na sina: Lovejean Espinella, 7; Alma Galvan, 23; Jocelyn Galvan, 38; Melanie Espenilla, 24; Noe Francisco, 38; Abraham Buenavista, 20; Cecilia Senadjan; Edwin Mondelo, 27; Annabel Asucro, 48; Zelda Bolante, 50; Chezzy Rose Bolante, 11 buwang gulang na sanggol; Nora Ynales, 50; Joan de Mesa, 27; Gilbert Bandije, 20; Analyn Asucro, 48; Enriquita Samson, 55; at iba pa.

Batay sa ulat, bandang alas-7:00 ng gabi ay kasalukuyang ang kulay pulang Suzuki multicab (EVG) 590 na minamaneho ni Rosendo Balatucan, 55, nang biglang huminto ang makina habang paakyat sa matarik na bahagi ng highway.

Tuluy-tuloy na bumulusok sa bangin ang behikulo  na ikinasugat ng 25 na lulan nito kabilang ang ilang nasa kritikal na kondisyon.

Lumilitaw sa imbestigasyon na overloaded ang behikulo sa lulan nitong humigit kumulang sa 30 pasahero.

Show comments