7-anyos patay sa sunog

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang 7-anyos na batang lalaki matapos itong ma-trap sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Brgy. Salitran 3, Dasmariñas City, Cavite.

Ang nasawi ay kinila­lang si Emmanuel Ocampo, Grade 1 pupil, residente ng Blk. 19, Lot 3, Barcelona St., Summer Meadows, ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, alas-12:30 ng tanghali ay katatapos lamang ma­na­ng­halian ang biktima  kasama ang nanay nito na si Isabelita Ocampo, 62.

Saglit na lumabas  ng bahay  ang nanay at pagbalik niya ay nakita nitong malaki na ang apoy sa ikalawang palapag ng kanilang bahay kung saan nandoon ang anak na hindi nakalabas.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga karatig bahay na naapula matapos ang ilang oras.

Tinitingnan ng pulisya ang faulty electrical wi­ring ang sanhi ng sunog dahil sa kakakabit lamang umano ng mga electrical wires sa nasabing bahay noong Lunes.

Show comments