SBMA employees nagrereklamo sa pasahod
MANILA, Philippines – Kinondena ng isang grupo ng manggagawa sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang umanoy patuloy na pagkakait ni SBMA Chairman Roberto Garcia sa mga empleyado ng SBMA sa itinakda ng batas na tamang pasahod sa kanila pero pinapaboran nito ang mga alipores sa ahensiya.
Iginiit ng Concerned Employees of SBMA, sobra-sobra ang biyayang natatanggap ng Chief of Staff ni Garcia na si Atty. Moe Villamor na taon-taong may umento na nagsimula sa P50,000 kada buwan noong 2011 hanggang halos maging P80,00 kada buwan ngayon. Bukod dito may libre umanong pabahay pa si Villamor at allowance na P5,000 para sa kuryente.
Taliwas umano ito sa pagtrato ni Garcia sa libu-libong empleado ng SBMA na naghihikahos dahil ayaw ipatupad ni Garcia ang tungkulin kahit inutusan na ito ng SBMA board mismo sa isang resolusyon na ipatupad ang Salary Stardardization Law.
Ngunit imbes na sundin ang utos ng SBMA board, isinasangkalan umano ni Garcia si Presidente Aquino na sanhi kung bakit hindi pa nakakatanggap ng biyaya ang mga trabahador dahil ayaw lagdaan ni P-Noy ang SSL.
- Latest