MANILA, Philippines – Sumadsad sa pinakamababa ang approval at trust ratings ni Pangulong Noynoy Aquino kasunod ng madugong operasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).
Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Marso 1 hanggang 7 kung kailan mainit na isyu ang naging sagupaan ng PNP-SAF at Moro Islamic Liberation Front (MILF), natikman ni P-Noy sa unang pagkakataon ang non-majority national approval at trust ratings mula nang mahalal noong 2010.
Naitala ang approval ratings ni PNoy sa 38% mula sa 59% sa survey noong Nobyembre 2014.Nasa 39% naman ang undecided sa performance ratings nito samantalang 23% ang hindi kuntento.Ang trust ratings naman ni P-Noy, bumagsak sa 36% mula sa dating 56%.
Naitala ang 37% na undecided at 27% ang walang tiwala rito. Kabuuang 1,200 representative adults ang lumahok sa pinakahuling survey.
Matatandaang naging sentro ng kontrobersya si P-Noy dahil sa hindi umano pag-ako ng responsibilidad sa operasyon sa kabila ng pagiging commander-in-chief.