Bagyo papasok ngayon
MANILA, Philippines – Ngayong araw ay papasok ang isang weather disturbance sa Philippine Area of Responsibiity (PAR) na may intenational name na Bavi.
Batay sa monitoring kahapon ng PAGASA si Bavi ay nasa layong 2,100 kilometro ng silangan ng Bicol region taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 90 kilometro bawat oras.
Si Bavi ay kumikilos pakanluran timog kanlurang direksiyon sa bilis na 35 kilometro bawat oras.
Sakaling hindi magbago ang direksiyon ng naturang bagyo ay tutumbukin nito ang lalawigan ng Bicol, Calabarzon, Southern o Central Luzon.
Kapag pumasok na ito sa ating bansa, ito ay tatawaging bagyong Betty.
- Latest