P-Noy sinisi si Napeñas sa Mamasapano
MANILA, Philippines - Ang sinibak na si SAF Dir. Getulio Napeñas ang sinisi ni Pangulong Benigno Aquino III sa Mamasapano incident na ikinasawi ng 44 members ng Special Action Force (SAF) noong Enero 25 sa Mamasapano, Maguindanao.
Sa question and answer pagkatapos ng Prayer Gathering sa Malacañang sa pangunguna ng Jesus Is Lord (JIL) ni Brod. Eddie Villanueva at Church of God International ni Brod. Daniel Razon ay sinabi nitong hindi sinunod ni Napeñas ang kanilang napag-usapan kasama ang resigned PNP chief Alan Purisima para sa Oplan Exodus.
Ayon kay Pangulong Aquino, inatasan niya si Napeñas na dapat ay magkaroon ito ng koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa kanilang Oplan Exodus na ang layunin ay hulihin si Marwan at Basit Usman.
Binigyan din daw ang Pangulo ng mga maling impormasyon nang isagawa na nila ang Oplan Exodus sa pag-aakalang may koordinasyon na sila sa AFP upang bigyan sila ng reinforcement sa kainitan ng labanan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
- Latest