^

Police Metro

Roxas: Ipagbunyi ang kababaihan ngayong Women’s Month

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinagubilinan ni Interior and Local Governmet Secreatry Mar Roxas ang bawat lokal na yunit ng pamahalaan ng bansa na magsagawa ng mga prog­ramang magbubunyi sa papel ng kababaihan sa pag-unlad ng bayan ngayong Marso bilang Buwan ng Kababaihan.

Ayon kay Roxas, may temang “Juana, Desisyon Mo ay Mahalaga sa Kinabukasan ng Bawat Isa, Ikaw Na!” ang bawat aktibidad, na tiyak na magpaparangal sa lahat ng mga kababaihang lider at buong pusong nagsusulong ng adbokasiya para sa kanyang kapwa babae sa pamamagitan ng kanyang liderato, pagpapasya, at pamamahala.

Kinikilala rin ng kalihim ang naging kontribusyon ng kababaihan sa pagsususmikap ng DILG para sa kaligtasan ng publiko, sa kahandaan sa oras ng sakuna, at sa pagsusulong ng mabuting pamamahala.

Inanyayahan ni Roxas ang lahat ng pinuno ng lokal na pamahalaan ng National Capital Region (NCR) at ang kanilang mga nasasakupan na lumahok sa simula ng pagdiriwang ng International Women’s Day sa Linggo, Maso 8 sa Maynila.

Idineklara ng Proclamation 224 at 227 ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan tuwing Marso, ang unang linggo bilang Women’s Week, at Marso 8 bilang Women’s Rights and International Peace Day. Ipinoroklama din ng Republic Act No. 6949 ang Marso 8 bilang National Women’s Day.

BAWAT ISA

BUWAN

DESISYON MO

IKAW NA

INTERNATIONAL WOMEN

KABABAIHAN

MARSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with