Karnaper natrapik, nadakip

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga otoridad ang isang 35-anyos na lalaki nang ito ay matrapik habang tinatangay ang isang motorsiklo kahapon sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Christopher Aculina, 35, liason officer, ng Block 22, Lot 46, Iceland St., Harmony Hills Subdivision, San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga  sa tapat isang convenience store sa kahabaan ng Kala­yaan Phase 10, Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod ay tinangay ng suspek ang isang Suzuki Skydrive na motorsiklo na pag-aari ni Juanito Radoc, 54.

Kaagad na nakahingi ng tulong si Radoc sa mga pulis na nagpapatrulya ng mga oras na iyon kaya’t hinabol ang suspek na natrapik naman kaya’t nahuli ito.

Show comments