MANILA, Philippines - Nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang puganteng Australian national matapos magtago sa bansa at nahaharap sa panibagong kaso nang pag-ooperate ng cybersex den gamit ang mga menor de edad at sexual assault.
Ang suspek ay kinilalang si Peter Gerard Scully, 51, tubong Burwood, Australia at nanunuluyan sa Barangay Violeta, Malaybalay City, Bukidnon ay nadakip ng pinagsanib na pwersa ng NBI-Region 10, International Police (Interpol), Australian Federal Police, Dutch Police, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP).
Si Scully ay nahaharap sa patung-patong na kasong fraud sa kanilang bansa at noong 2011 nang magtago ito sa Pilipinas na kung saan ay nagre-recruit ng mga menor de edad na ginagamit sa live sex video streaming habang nakaharap sa camera na napapanood naman ng mga kliyente sa online. - Ludy Bermudo-