^

Police Metro

MILF binebeybi ng gobyerno

Pang-masa

Fort del Pilar, Baguio City, Philippines – Inihayag kahapon ni dating Marine Commandant ret. Major Gen. Emmanuel Teodosio sa isang panayam kahapon na mistulang binibeybi ng gobyerno at malamya o kulang sa ngipin ng batas sa pag-aksyon laban sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF)  na sangkot sa brutal na pagmasaker sa 44 Special Action Force (SAF) commandos noong Enero 25 sa Mamasapano, Maguindanao.

“Let justice be done though heaven shall fall, let heavens cry havoc”, ani Teodosio na mula aniya sa mga kataga ni William Shakespeare na siyang dapat maging aksyon ng gobyerno  na kulang sa matibay na paninindigan upang bigyang hustisya ang brutal na sinapit ng SAF commandos sa kamay ng mga kaaway.

Anya, nakamasid ang buong mundo at nagiging katawatawa na ang Pilipinas dahilan sa mahinang pag-aksyon at kawalan ng disposisyon ni P-Noy  upang magdesisyon ng tama upang ipakita na ang gobyerno ang dapat manaig at hindi ibeybi ang mga kaaway.

Dapat na ipakita ng gobyerno ang matigas nitong paninindigan laban sa anumang uri ng karahasan at terorismo.

Tinukoy nito ang matigas na paninindigan sa ginawang aksyon ng pamahalaan ng Jordan laban sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na nasasangkot sa patuloy na paghahasik ng terorismo matapos na sunugin ng buhay ang isa nilang piloto. - Joy Cantos-

 

ANYA

EMMANUEL TEODOSIO

ISLAMIC STATE OF IRAQ AND SYRIA

JOY CANTOS

MAJOR GEN

MARINE COMMANDANT

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SPECIAL ACTION FORCE

WILLIAM SHAKESPEARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with