Kelot na tadtad ng tattoo sa katawan, inutas

MANILA, Philippines - Isang hindi pa kilalang lalaki na tadtad ng tattoo ang buong katawan ang natagpuang patay sa gilid ng isang kalsada kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Inilarawan ang biktima na ang edad ay nasa pagitan ng 25-30, may taas na 5’3”, walang damit pang-itaas na natagpuang patay dakong alas-7:30 ng gabi sa tabi ng kalsada malapit sa Star Market sa kahabaan ng Quirino Highway, Brgy. Sta Monica.

Ayon sa isang Marcos Mallari na nakarinig siya ng magkasunod na putok ng baril sa nasabing lugar at ilang minuto ay ibinalita sa kanya ng isang residente na may natagpuang patay na lalaki.- Ricky Tulipat-

Show comments