2 totoy nasagasaan ng tren

MANILA, Philippines - Nalasog ang ulo at katawan ng isang 12-anyos na batang lalaki habang naputulan ng binti ang 13-anyos nitong kalaro matapos na sila ay masaga­saan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa bahagi ng Paco, Maynila, kahapon ng hapon.

 Namatay noon din ang biktima na kinilala lamang sa pangalang Boboy Balan, pinaniniwalaang nakatira sa tabi lamang ng riles habang ang naputulan ng binti ay kinilalang si Stephano Fernandez, residente ng Barangay 800, Zone 87, Paco.

Batay sa ulat, bandang alas-2:10 ng hapon nang maganap ang insidente malapit sa kanto ng  Osmeña Highway at Pres. Quirino Avenue.

Sa salaysay ng tambay sa lugar na mabilis ang takbo ng mula sa South at hindi umano nagbusina.

Nagulat sila nang ito ay lumihis umano ng daraanan sa halip na daanan ang pa-southbound ay sa northbound ito dumaan kaya  nasagasaan ang dalawang binatilyo.

Nabatid na sanay na sila kung saan daraan ang tren kaya nagulat sila ng biglang nag-iba ito ng daan patungo sa Tutuban.- Ludy Bermudo-

 

Show comments